105. PIMENTEL


PIMENTEL
Dr. Troy Alexander G. Miano
26 October 2019



The country mourns the loss of another freedom fighter in the name of Aquilino “Nene” Quilinging Pimentel, Jr. last October 20, 2019. This morning, the democracy icon and the 19th Senate President was laid to rest at the Heritage Memorial Park in Taguig City. I have my own personal memories with the Father of the Local Government Code of 1991. He was one of my professors at the University of Makati (UMak) when I took up my Bachelor of Arts in Political Science major in Local Government Administration in 2011. I was the first in class to ask a question and it was not related to the subject matter nor to the topics he discussed. I was curious why his nickname was “Nene” when in fact he is a boy. In my culture, the name Nene is always referred to a young girl. Everybody in class laughed and he answered wittingly that it is a common moniker among Cebuanos not only for girls but for boys also. During the entire course, I would regularly ask clarifications on issues concerning Republic Act No. 7160 or the Local Government Code of the Philippines. Answering all the issues, he repeatedly encouraged us to submit a resolution to Congress requesting for amendments on the Code since it is already 20 years old and it should be aligned with the modern times. He was a jolly person and enjoyed being requested for a photograph. During my time at UMak, Senator Pimentel was a regular lecturer at the UMak-Center for Local Governance which was named after him.

Nene Pimentel was a human rights lawyer and rose to national prominence when he was elected delegate to the 1971 Constitutional Convention representing Misamis Oriental. He was one of the leading political opposition leaders during the regime of President Ferdinand E. Marcos from the declaration of Martial Law in 1972 until the People Power Revolution in 1986 which removed Marcos from power. He was Mayor of Cagayan de Oro City from 1980 to 1984 and Assemblyman of Cagayan de Oro from 1984 to 1986. He was appointed Minister of the Interior and Local Government from 1986 to 1987. Elected and served trice as Senator of the Republic of the Philippines from 1987 to 1992 and from 1998 to 2010. He was twice Minority Floor Leader from 2001 to 2002 and from 2004 to 2010; Majority Floor Leader in 2002 and Senate President from November 13, 2000 to June 30, 2001. He co-founded the country’s current ruling party Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban). Senator Nene is the father of Senator Aquilino Martin “Koko” L. Pimentel, the 22nd Senate President (2016-2018).

Of the many good things I read in the net and newspapers plus all the nice words I heard in the news about Ka Nene, I personally appreciated the eulogy delivered by my former boss, Senator Heherson T. Alvarez - the only senator so far from my province, during the necrological rites held at the Session Hall of the Philippine Senate in Pasay City. I had it transcribed and it states: “Mr. Senate President, Bing, and the children. I was in the 1971 Constitutional Convention which was the apex of our dream of fulfilling the great sovereign dream of Filipinos of having an independent nation, limang daan (sic) taong tayong napailalim sa mga Kastila, limangpung taon pailalim sa mga Amerikano at ngayon mayroong Konstitusyon ngunit yung Konstitusyong ay pinirmahan ng Amerikano at binibigyan natin ng pagkakataon ang mga banyagang humukay ng ginto at ng kayamanan sa ating mga bundok. Kaya’t minabuti natin noong taong yan, gagawa tayo ng Konstitusyong atin lamang at ilalagay natin doon ang kadakilaan ng ating bayan. At si Nene, mga batang katulad ko, marahil si Sagisag bata bata pa rin noon, Orly Mercado, ay sinuwerteng lumabas. Dalawang dating presidente ng Pilipinas ang delegado, maraming presidente ng mga unibersidad, pati yung aking Unibersidad ng Pilipinas, delegado rin. Kaya’t lahat ng dunong at galing ng Pilipino ay naririyan.

Bigla nalang akong inimbitahan ni Bing sa kanyang bahay, sa kanyang tahanan at pinakain ako ng tabon-tabon. For the first time, yun palang tabon-tabon eh na pagkain nila na sa atin ay sinigang pala. Sabi ni Nene sa akin, may proposal ka to make the barangay, the small unit - the smallest unit of local government, gawin mong yung barangay para ring isang maliit na may karapatang mamahala ng pilak ng bayan mayroong kapangyarihang gumawa ng mga ordinansa. Kaya yung tenyente de barangay hindi lamang taga deliver ng sulat kundi isang chairman na rin at ang pangalan ay kapitan. Ayon ako riyan ‘ka niya. Naaaprubahan nga yung aking proposal na yon ngunit meron akong gustong, tulungan mo ako ‘ka niya, itong prinsipyo ng “subsidiarity”. Narinig ko na yan sa kababasa ko ngunit hindi ko naintindihan kung papaano niya papalawakin itong “subsidiarity”. Sapagkat ang ibig sabihin ng “subsidiarity” sa isang social democrat na katulad ni Nene noon pa man eh idolo ko na ito eh, na yung isang mayor halimbawa sapagkat siya ang mayor na nakikita niya ang problema doon sa kanyang bayan. He knows the day to day problem where to build the road, where to clear the creeks, where to build certain systems that will improved the community because he knows that, kailangan magkaroon siya ng kakayahan o salapi upang gamitin sa pangangailangan ng bayan so that he will be accountable for that. Ang kapangyarihan ng pamamahala ay ibababa mo hindi lamang sa barangay captain ang aking panukala, kundi sa mayor, sa gobernador, sa siyudad at yan ay pagbababa ng kapangyarihan ng taong bayan from bottoms up at hindi lamang top down. Eh biro mo 1971 yun, “subsidiarity” na ang sinasabi nitong si Nene Pimentel na galing sa Cagayan de Oro. Sabi nga nya sakin “ikaw ay galing sa Cagayan de Asero, ako’y galing sa Cagayan de Oro”. Magaling daw ang pinanggalingan niya. Meron daw silang mga kooperatiba. Meron silang Ateneo de Cagayan de Oro. Baka yung mga sinasabi mo kako eh Cagayan de Asero hindi Cagayan de Oro kako.

Anyway, nagkasama kami, lumaban kami dahil hindi siya marunong tumakbo marahil o talagang gusto niyang lumaban ng harapan, nahuli siya. Ako naman nakatakas. Nag underground ako ng dalawang taon ewan ko kung si General Bato eh kasama roon sa humuhuli sa akin noong araw. Nakalusot ako, nakapag tago at isa ako sa namuno o ako ang namuno nung pagbubuo ng tagong yaman nung magaling kong kapwa Ilokano. Eh noong natagpuan ko na yung tagong yaman na yan, sabi ko oposisyon dito, magpapadala nga kayo dito ng magaling kako, upang irekord natin, ilitrato natin at pinadala si Orly Mercado may dalang cameraman. Umupa kami ng helicopter. Nilitrato naming Lithomer Hotel, building of the Shah of Iran, the Trump Tower, limang malalaking gusali, umaabot ng bilyung-bilyon ang halaga, at alam na natin kung sino ang may-ari, di ba Orly. Saan na yang record na yan Orly iuwi mo rito. Dumating si Nene at napalaya siya and he stayed in my house. Of course my house was a four storey, almost one of those poorest area in New York where exiles live. Lumalakad sya at nung wala na siyang matutulugan doon siya sa sala natutulog. Nilalatagan ko siya ng kumot. Sabi niya “kawawa ka naman dito” ‘ka niya, “para kang bilanggo, you’re really an exile. Gagawin namin ang magagawa namin at malapit na” ‘ka niya “para makauwi ka. Gawin mo rin ang gagawin mo para makauwi ka”. Sapagkat kailangan, we should be cymbals. Since Marcos was some kind of a puppet, Marcos depended upon the power of the United States. Meron siyang military aid, meron siyang human rights aid, kung anu-anong aid sa kanya para mabuhay yung kanyang gobyerno. Ngunit kami naman, sinasabi namin sa Kongreso, ang problema sa Pilipinas ay si Marcos. Hindi siya ang solusyon ng problema, sapagkat ito, ito, ito ang dahilan. At nung manggaling si Nene doon, iniwanan niya ako ng dalawang daang dolyar ‘ka niya. “Ito ang baon ko ‘ka nya ng limang araw”. Ireregalo ko na lang sa inyong movement. Ang balita ko rito eh naghihirap kayo ngunit tandaan mo padadalhan kita ng balita upang sabihin mo sa Kongreso kung papaano kaapihan namin dito, doon sa Pilipinas”. And the flow of information came and I’m not ashamed to say from the Catholic Church, from the Liberal Party, from Nene Pimentel and from the Communist Party. Pagkat marami rin daw binibilanggo sa kanila hindi naman dinidemanda, mamaya mawawala na lang sila. From this collated information, I lobbied in the U.S. Congress, yung sinabi namin sa mga Amerikano, “hindi siya ang solusyon, isa siya sa dahilan kung bakit lalong higit na mamamatay ang demokrasya”. Yan ang pagtutulungan ko kasama si Nene at yung kanyang 200 dollars na inabuloy sakin.

Ngunit nung ako’y magbalik at magkasama na kami sa Senado sabi niya sakin “naaalala mo ba yung sinabi ko sayo” ‘ka niya na “subsidiarity”, oo, na ibaba mo ang kapangyarihan ng gobyerno, sa mayor, kay gobernador, at sa barangay captain na meron na akong batas, ayang tunay na demokrasya. Nang magawa yung Government Code, bagamat si Joey Lina ang tumitindig doon, yung kaisipan at panaginip ni Nene ang naroroon. They brought down democracy and shared, kaya ngayon, 1/3 of the national wealth or the interior earnings, ngunit nanalo sa Supreme Court si Mandanas. Mr. Senate President lalong malaki ang magiging share ng local government ngayon. Ang demokrasya pala ay hindi katulad, hindi katulad noong panahon ng Kastila palaging ang kapangyarihan ay naroon sa gobernador-heneral. Hindi rin katulad noong tayo’y mapapailalim ng isang presidenteng highly centralized ang kapangyarihan. Demokrasya ngunit kulang ang laman ng demokrasyang ‘yan sapagkat yung linamnam, lakas, yung ekonomiya ng bayan ay palaging sa itaas lamang, naiisipan at pinaghahandaan. Kulang ang bigay ngayon ay dahan dahan ng inuutusan ang mga gobernador, mga mayor at mga barangay, upang yung kapangyarihan, yung kapangyarihan hindi lamang human rights kundi economic rights ay maaari nang planuhin sa ilalim katulad din sa itaas. Ayan ay galing sa kaisipan ng isang senador, lumaban sa isang diktador at nang matapos ang diktaturya ay nagkaroon siya ng mahabang panahon upang pati si Joey Lina ay tumanggap ng mga kaisipang pinalawak natin. Si Nene Pimentel ay ama ng isang democratization process. Tayo’y tinatawag na third world country at ang third world country kung minsan ay napaguutusan sa itaas ngunit habang bumababa ang yaman at kapangyarihan ng mamamayan, habang ang nanunungkulan sa ilalim ay magkakaroon din ng malinaw na kaisipan kung paano magagawa yung tulay, kung paano pagagawa yung taniman dun sa barangay at dun sa bayan sa probinsya, lalawak ang ating kakayahan because the sovereign will of the people, the right to pursuit of happiness, the economic freedom that is meant by true democracy have been pursued by this soulmate of mine, my Nene Pimentel, the jailbird. Has been. Natutuwa marahil, kayo rin ay dapat matuwa, itong pagpanaw ni Nene, sapagkat ang kanyang pagpanaw  ay parang isang phoenix, yung ibong matapos mamatay nagkaroon ng buhay at yung kanyang kaisipan ay magbibigay ng lawak at buhay dito sa demokrasyang pinagtitibay natin sa ilalim ng isang presidenteng nagpupumilit na palawakin, sapagkat sinisira nya ang kurapsyon, sinisira niya ang droga at marahil sa dakong huli mga kaisipang katulad ng inilahad ni Nene ng kanyang buhay, sisirain natin ang kahirapan. Nene, masaya ako’t nabuhay ka, masaya rin ako’t sa iyong pagkamatay ay gumigising ang puso at diwa ng isang maka demokratikong Pilipinong ang kapangyarihan ay nasa ilalim at hindi lamang sa itaas manggagaling. Maraming Salamat.”

The eulogy of the Senator from Isabela described in a capsule the heroism of Aquilino Q. Pimentel, Jr. during the dark years of Martial Law and how he pushed for local autonomy now being enjoyed by the local government units. With this, I can say that my personal motto (from Benjamin Franklin) can best be used for the great Nene, “The road to immortality: either you write something worth reading or you do something worth writing.”

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

HISTORY OF THE PROVINCE OF ISABELA

99. SAMBALI OF CASIBARAG & LA JOTA ISABELA

98. HISTORY MONTH & BUWAN NG WIKA